Viacheslav Mavrodi:
Ang MMM ay isang bomba sa pananalapi

O kung ano ang pinanatiling sikreto ni Sergey Mavrodi sa loob ng 25 na taon

Sa unang bahagi ng 1993, sa Moscow. Ang apartment ng aming pamilya sa Komsomolsky Avenue.

Ito ay isang karaniwang umaga. Nauna akong magising kay Sergey at nagkakape na sa kusina. Tumayo na rin si Sergey at nagpunta sa banyo.

Paglabas ng banyo, sinabi ni Sergey,

  • "Tingnan mo, habang nag-aahit, nagkaroon ako ng isang napakagandang ideya!"
  • ???
  • Maaari tayong gumamit ng isang SELF-QUOTING DOUBLE EXCHANGE RATE!!!
  • ???
  • Eto, tignan mo...

Ganito nabuo ang natatanging algoritmong matematika sa pananalapi. Sa karaniwang paggawa ay ginagamit natin ang pangalang “overlapping double exchange rate”. PAgdaan ng panahon, tinawag itong "MMM Pyramid" ng mass media. Noong 1990's, sinubukan pa ring tuligsain ni Sergey ang pangalang itto, subalit sa kalaunan ay naisip niya na wala itong saysay. Noong 2011, sinimulan niyang tawaging pyramid ang MMM, pinapatnubayan ng prinsipyong "Tawagin mo akong palayok, subalit huwag mo akong initin". Ang totoo ay hindi pa nakikita ng mundo ang isang malinaw at simpleng paglalarawan ng isang piramido ng pananalapi hanggang sa araw na ito. Maliban sa Russia. Mayroon naman tayong ng Artikulo 172-2 sa Criminal Code ng Pederasyong Ruso — "Pag-aayos ng mga aktibidad na nakatuon sa paglikom ng pondo at/o ibang ari-arian" na nagpapaliwanag sa lahat ng ito nang "malinaw at simple"...

Ang algoritmo ay napakasimple na ang sinumang nakatapos ng 8 na grado ng sekondaryang paaralan ay maaaring gamitin ito para sa mga layuning pang-negosyo. Nakakamangha na sa loob ng 24 na taon ay wala pa sa mundo ang lubos na nakakaintindi nito. Kahit na ito ay nailathala at magagamit ng publiko! Kahanga-hanga ang iyong mga gawa, o Diyos.

Narito kung paano gumagana ang algoritmo na ito sa "mga terminong madaling maintindihan".

Ipagpalagay na mayroon akong dalawang kaibigan: si Leonid (L) at si Ivan (I). MAyroon din akong 2 na block ng 100 na mura, lumang maliliit na mga kalendaryo (na may tunay na presyo na isang dime bawat dosena, o mas mababa pa).

Araw 1 (block 1).

Presyo ng pagbili/pagbenta (RUB): 1,000/1,000

Ngayon ay sasabihin ko kay Leonid, "Leonid, kapag binili mo sa akin ngayon ang block na ito ng 100 na maliliit na kalendaryo para sa 1,000 rubles ay bibilhin ko ito sa iyo bukas ng 1,000 rubles (+10% ng idedepositong halaga)."

(L): Payag ako. Ibigay mo sa akin ang mga kalendaryo, narito ang 1,000 rubles.

Mga resulta para sa block (pool) 1: May hawak akong 1,000 rubles. Subalit, bukas ay kailangan kong ibigay ang 1,100 rubles kay Leonid. Paano ko gagawin ito?

Simple lang. Inimbita ko ang isa ko pang kaibigan, si Ivan, na pumunta bukas.

Araw 2 (block 2).

Presyo ng pagbili/pagbenta (RUB): 1,200/1,100

Kapag dumating si Ivan, Iaalok ko sa kanya ang parehong deal, subalit ang presyo (rate) ay iba. Itatakda ko ang rate ng pagbenta at pagbili sa isang antas na pahihintulutan akong magamit ang pera ni Ivan upang mabayaran si Leonid at kumita. Sa ibang salita, ang presyo ng pagbenta ko ngayon "ay sasapaw" sa presyo buyout.

(Ako): Ivan, gusto mo bang bumili ng isang block ng 100 na maliliit na kalendaryo mula sa akin para sa 1,200 rubles kung bukas ay bibilhin ko ito mula sa iyo para sa 1,320 rubles (+10% ng idedepositong halaga)?

(I): Payag ako. Ibigay mo sa akin ang mga kalendaryo, narito ang 1,200 rubles.

Ngayon ay may hawak na akong 1,000+1,200=2,200 rubles.

Dumaan si Leonid. Ibinigay niya sa akin ang mga maliliit na kalendaryo, at binigyan ko siya ng 1,100 rubles, gaya ng ipinangako.

Mga resulta para sa block (pool) 2 : Mayroon akong natitirang 1,100. Nabayaran ko nang buo ang account kay Leonid at nakuha ko pabalik ang aking block ng maliliit na kalendaryo. Bukas, kailangan kong bigyan si Ivan ng 1,320 rubles, at mayroon akong 1,100.

Araw 3 (block 3).

Presyo ng pagbili/pagbenta (RUB): 1,452/1,320

Dumaan si Leonid.

(L): Tingnan mo, ito ang naisip ko... Bakit ko binawi ang aking pera kahapon? Ngayon ay may karagdagan pa ako para sa aking mga kalendaryo! Kababayad lang ng sahod ko; bakit aaksayahin ito nang walang layunin? Maaari ko bang bilhin muli sa iyo ang mga kalendaryo?

(Ako): Maaari, Leonid. Subalit ngayon ang iyong block ng mga kalendaryo ay nagkakahalaga ng 1,452 rubles, subalit bukas ay bibilhin ko ito pabalik sa halagang 1,597 rubles.

(L): Payag ako.

Kapag dumaan si Ivan, babayaran ko ang account ko sa kanya, gaya ng ipinangako, Gagamitin ko ang pera ni Leonid upang magawa ito.

Araw 4 (block 4).

Presyo ng pagbili/pagbenta (RUB): 1,757/1,597

Kapag dumating si Ivan,

(I): Tingnan mo, ito ang naisip ko...

Sa madaling salita, ang algoritmo ay isang paraan upang ibahagi ang ekstrrang pera sa pagitan ng mga miyembro sa isang Sistema. Gaya ng napansin mo, Ang Sistema ay maaaring magsimula na walang paunang puhunan. Habang gumagana ang Sistema, ang lahat ng mga miyembro ay magpapalitan sa paggawa ng kita. Hindi kailangang maging napakarami ng mga miyembro, gaya ng mga "pyramid"..

Ang Sistema ay maaaring ilunsad sa ANUMANG bilang ng mga miyembro kung ito ay higit pa sa isa: sa isang pamilya; kumpanya; bansa; sa mundo. Ang Sistema ay maaaring makitang tumatakbo kapag ang block 2 ay nabili. Pagkatapos nito, tatakbo ito hanggang sa may mga taong gustong kumita ng porsyento ng kita na itinakda ng Sistema; o hanggang sa ang EKSTRA na pera ay matapos sa isang pamilya; kumpanya; bansa; sa daigdig. ;)

Ang Sistema ay maaaring matagumpay na lumago sa anumang lugar kung saan ang pera o ang katumbas nito ay ginagamit. Ang mga presyo sa pagbenta/pagbili ay itinatalaga . Ngunit hindi ito random — ang isang mahigpit na algoritmong matematika ay ginagamit sa halip. Ang isang maling pagpili ng mga halaga ng presyo ay agad na ipapadala ang Sistema sa isang pababang landas. Ang Sistema ay may ilang mga variable: % ng kita ng mga miyembro; % ng kita ng may-ari ng sistema; panimulang presyo ng pamantayang yunit ng Sistema (kabahagi/tiket/maliit na kalendaryo/takip ng bote ng beer/token, atbp.); laki ng block. Maaaring gamitin ang mga variable na ito upang madaling i-set up ang Sistema upang malutas ang isang partikular na gawain na itinakda ng may-ari ng Sistema.

Screenshot ng MMM-94 table.xls

Tulad ng nakasanayan, mayroong isang maliit na SUBALIT. Upang mapanatili ang mga matematika sa likod nito, ang bilang ng mga pamantayang yunit sa Sistema ay dapat manatiling pareho sa bawat bagong block. Sa ibang salita, ang mga bagong presyo ay dapat gamitin upang ibenta at bilhin ang parehong bilang ng mga "maliliit na kalendaryo" gaya nang ibinenta/binili sa nakaraang presyo.

Noong 1994, hindi namin ito makamit. Wala kami ng mga tamang gamit sa pananalapi na kailangang gamitin. Gayunpaman, ang pagsasanay ay nagpakita na kapag mas pantay ang pamumuhunan at PAG-WITHDRAW ng mga miyembro sa kanilang mga pondo, nagiging mas matatag ang Sistema. Ito ang dahilan kung bakit, sa partikular, ang MMM-94 ay hindi nagpapahintulot ng mga malalaking wire transfer.

Matapos mabuo ni Sergey ang algoritmong ito, ginugol namin ang buong 1993 upang paghandaan ang paglulunsad ng Sistema. Nagkaroon kami ng mga talakayan, at mga argumento, at mga update. Ginamit namin ang software na SuperCalcupang gumawa ng mga talahanayang matematika at tularan ang iba't-ibang mga pagpipilian para sa hinaharap na maaaring maging pag-uugali ng mga miyembro. Nagkaroon kami ng walang katapusang konsultasyon sa mga abogado at mga propesyonal na accountant. Bilang resulta ng lahat ng brainstorming na ito, pinili namin ang "mga share certificate" bilang "maliliit na kalendaryo" para sa paglunsad. Ang mga ito ay ganap na walang silbi, hindi ligtas na mga piraso ng papel, subalit ito lang ang tanging paraan para sa isang ligal na entidad na mabilisangmagsimulang magtrabaho na may hawak na pera.

Kaya, noong Pebrero 1, 1994 ay inilunsad ang Sistema.

Pebrero 5, 1994. Kami ni Sergey ay pumunta sa aming tradisyonal na minsan sa isang taong pangingisda sa tagsibol sa Ilog ng Ugra, 5 km paakyat sa bayan ng Yukhnov. Ang dulo ng kagubatan ay 100 metro ang layo mula sa kilalang willow na inilarawan sa simula ng aklat ni S. Mavrodi na "Lucifer's Son".

Tinawid namin ang ilog patungo sa isa pang pampang, patungo sa isang maliit na dalampasigan na may bukal sa kanan ng willow. Pinasok pa namin ang looban ng kagubatan para maghanap ng kabuteng espongha. May malapit na lumang buka, sa ilang taon ay puno ito ng kabute. Subalit kung minsan ay wala. Sa taong iyon ay wala. Pabalik, naupo kami sa isang troso sa dulo ng kagubatan. Tinanong ako ni Sergey,

"Kamusta na nga pala sa Varshavka?" (pinamamahalaan ko ang mga operasyon ng punong tanggapan ng MMM sa 26 Varshavka sa panahong iyon.)

  • Kinakain ng daga ang pera mo.
  • Ano ang ibig mong sabihin, daga?!
  • Ang isang senior teller ay tumawag sa akin ilang panahon na ang nakalipas. TInanggal nila ang pinakamalapit na patong ng mga tumpok (ng perang papel) sa isa sa mga warehouse para sa mga payout, at nakita nila na ang ilang tumpok sa likuran ay may mga kagat ng daga sa mga kanto. Kaya tinanong niya ako kung ano ang dapat nilang gawin, paano nila aayusin ang mga tumpok na ito.
  • Bakit hindi nila ito inalagaan noon?
  • Ang basement ay may ilang malalaking silid na puno ng pera. Hanggang sa alisin mo ang itaas na bahagi, paano mo malalaman kung ano ang nasa loob?
  • Humph... Ano ang sinabi mo na gawin niya?
  • Sinabi ko na kumuha siya ng ilang mga ng mga pusa, ano pa ang maaari naming gawin?
  • Naiintindihan ko. Subalit paano ito pagdating sa negosyo?
  • Ito ay [censored] sa negosyo. Totoo at seryoso. Walang nagbebenta nito; binibili lamang nila ito.
  • Walang katulad?
  • Hindi naman, May iba ring nagbebenta. Mga 2-3 porsyento ito ng mga resibo sa bawat araw. Ang ilan sa mga 2% na ito ay nabebenta sa umaga at bumabalik uli sa gabi, sumisigaw na "nagbago na ang isip ko", "Kinumbinsi lang ako ng asawa ko na gawin ito", atbp...
  • Ano ang gusto nila?
  • Gusto nilang magpanggap ang mga operator na walang nangyaring palitan sa umaga, "Tahimik ko lang na ibibigay sa iyo ang pera sa umaga, at ibibigay mo sa akin ang mga sertipiko." Inaalok din nila ang mga operator ng malalaking suhol para sa ganitong uri ng "pagbabalik".
  • Bakit nila ginagawa ito?
  • Ano ang ibig mong sabihing bakit? Gagastusin nila ang buong halaga upang bumili ng karagdagang mga certificate kinabukasan. Subalit bukas ay iba na ang presyo. Kung marami silang pag-aaring mga certificate, malaki ang malulugi sa kanila dahil sa kaibahan ng presyo dahil nagkaroon sila ng isang minutong kahinaan ngayon.
  • Naintindihan ko. Gaano karaming mga depositor ang mayroon tayo ngayon?
  • Mayroon kaming 15 milyong natatangi sa database.
  • Sa madaling salita, kung ang isang karaniwang pamilya ay may hindi bababa sa 3 katao, ito ay ano, 45 milyon?
  • Kung gusto mong magbilang sa ganitong paraan, oo. Para sa tunay na numero — Diyos lang ang nakakaalam. Mayroon ding isang grupo ng mga "delegado" mula sa buong mga planta, instituto, mga ahensya ng estado mula sa buong bansa. May nag-iisang entry na ito sa database, ngunit ilang tao ang nasa likod nito — paano mo malalaman?
  • Subalit tama ka, kung walang magbebenta nito, parang, [censored]! Hesus! Ito ang magagawa ng kasakiman ng tao! Ni hindi ko maisip ang anumang parang ganito nang tayo ay nagsimula. Ano ang kaibahan sa pagitan ng pagbenta at pagbili sa bawat araw, sa pera?
  • Bago kami tumuloy sa biyahe ng pamimingwit, ang mga ulat mula sa buong Russia para sa huling Martes ay nagpakita na ang mga natanggap ay mas mataas sa mga binayaran ng tinatayang 35 na milyong dolyar bawat araw. Sa paglipas ng panahon, ang labis na ito ay lalaki lamang.
  • Sa ibang salita, ang "netong kita" ng MMM ay mas malaki kaysa sa anumang maaaring mapanaginipan ng mga Arabong shiek. Sa hinaharap, ang "kita" na ito ay lalaki lamang, kung titimbangin ang lahat... panaginip para kaninuman, [censored], na manloloko. [CENSORED]!!! [CENSORED]!!!
  • Naaalala mo ba na inalok kami ng isang gusali para sa bahay ng pag-iimprenta ng MMM ilang panahon na ang nagdaan? Nalaman ng nagbebenta ng gusali na ang bumibili ay may kaugnayan sa MMM at ngayon ay hinihiling sa amin na bayaran siya sa mga sertipiko ng MMM sa halip na dolyar!
  • Naiintindihan namin ito. Bakit ka hihingi ng dolyar kung ang presyo ng mga sertipiko ay tumataas ng 100 na beses na mas mabilis at maaari itong ipalit sa dolyar anumang oras.
  • Ano na ang susunod naming gagawin? Nais naming bumili at magbenta ng mga sertipiko ang mga depositor sa bawat araw na may halos katumbas na halaga. Hindi namin gusto ang "netong kita" na ito, o ang Sistema ay magiging isang "pyramid", kung saan ang utang namin ay lalaki nang paparabola. Kahit ngayon, hindi namin mababayaran ang lahat sa kanila kung ang 100% ng mga depositor ay pumunta sa parehong araw!
  • [Nag-aalala] Ang 100% ay hindi kailanman darating sa parehong araw. Mayroon nitong matematikang bagay, Ang "Games Theory". Na may pantay pamamahagi, [ugh-ugh-ugh], ang posibilidad ng kahit ang 40% ay magsasama-sama ay lubhang maliit.
  • Ano? Sinusubukan mo bang maging matalino muli sa iyong mga matematika?
  • Hindi bale..

Noong panahong iyon, sa tabi ng willow na iyon, sinabi ni Sergey sa akin na nakuha namin ang isang bagay na hindi isang simpleng algoritmong matematika, ngunit isang pinansiyal na bomba. Kapag pinasabog sa anumang bansa, tulad ng isang higanteng vacuum cleaner, mabilis nitong sisipsipin ang lahat ng pera ng bansang iyon. Palulugihin nito ang mga bangko, isasara ang mga palitan at iba pang mga "pondo ng pamumuhunan"; isasara ang mga planta at pabrika; gigibain ang industriya at imprastraktura. Ito ay magiging isang "apocalypse ng pananalapi"— ang lumang sistema ng pananalapi ay babagsak.

Gagawa pa ba ang mga tao ng anuman kung maaari silang kumita sa lahat ng panahon, na walang ginagawa, at ang kita na ito ay hindi maaaring ihambing sa anumang negosyo, maging ligal o kriminal?

Iminungkahi ko:

  • Pahihintuin na ba natin ang lahat, maaari? Bayaran natin silang lahat ng karaniwang halaga na kanilang ipinuhunan. Itigil natin ito. Hawak na natin ang pera na kinita sa lumang negosyo ng pagbebenta ng kagamitan para sa opisina. O maaari natin silang bayaran ng 90%, maaaring 80. Maaari nating bilangin kung magkano ang maaari nating bayaran... kung ito ay [censored], parang ganyan ngayon, ano ang mangyayari kinabukasan?
  • "Sinabi nila sa akin na ang daan na tinatahak ko ay maghahatid sa akin sa Dagat ng Kamatayan", sabi ni Sergey.

Ang magkapatid na Strugatsky ang aming paboritong mga nobelista; taos puso naming alam ang lahat ng kanilang libro. Ipinagpatuloy ko ang sipi sa aking isipan, "... at sa kalagitnaan, lumingon ako. At mula noon, ang lahat ng mga daan na dinaanan ko ay nagkabuhol-buhol, at baluktot, at tinalikdan." Pagkatapos ay nagtanong ako,

  • "Ano na ang gagawin natin?"
  • Kailangan nating pumunta sa kanluran sa lalong madaling panahon. Ang lahat ng pera sa Russia at ang lahat ng aming mga utang sa mga depositor ng MMM ay mga mani kumpara sa KANILANG pera. Paaandarin natin ang "vacuum cleaner" doon, iipunin natin ang lahat ng pera mula sa lahat ng dako ng mundo sa Russia at gagamitin ito upang bayaran pabalik ang lahat ng tao sa Russia. Unti-unti, patitigilin natin ang MMM sa Russia — nakatira tayo rito, bakit sisirain natin ang sarili nating bansa? Saan na tayo pupunta sa pangingisda? ;) Narito ang plano.

Hindi na tayo makakatigil ngayon. Sa 15 milyon sa ating database, hindi bababa sa 45 milyong mga Ruso ang kasangkot sa MMM, at ang mga awtoridad ay madaling makakahanap ng isa o 2 na hindi nasisiyahang mga depositor. O maaari silang gumawa ng mga ito. Alinsunod sa batas, sapat na ito upang maisakdal sa pandaraya, kahit na magbayad ka sa lahat ng 45 milyong tao, maliban sa 2 na ito. Iyan ang batas.

Minsan sinabi ni Sergey Mavrodi, "Hindi mo kailangang matakot sa estado. Ito ay isang malaki at mabigat na buldoser lamang. Oo, mas mahusay na iwasan mong tumayo sa harap nito. Subalit dahil sa bigat nito, ito ay halos di gumagalaw: maaari ka lamang gumawa ng isang hakbang patagilid, at ito ay lalampas na.

Ang batas ay isang bakod lamang na pinaghihiwalay ang mga karaniwang tao sa mga karaniwang gumagawa ng masama. Sa mga mataas na orbit, walang batas, mayroon lamang mga konsepto at direksyon. Hindi mo maaaring labagin ang batas dahil sa kasong ito ay naglalaro ka sa ibang lugar. Subalit kapag nakakita ka ng butas sa batas, may panahon kang gamitin ito hanggang sa mapansin ka ng bulldozer. hihinto ito, at iikot papunta sa iyo. Pagkatapos ay kailangan mo nang maghanap ng isa pang butas sa batas..."

Ang MMM ay hindi makapunta sa kanluran noong 1994. Dahil sa pagkakanulo ng isang napakamahal at mataas ang ranggong Ingles na "abugado at ginoo sa nth na henerasyon", ang mga hangganan ng UK at US ay isinara para sa mga dose-dosenang tonelada ng mga sertipikong MMM gamit lamang ang mga pamamaraan ng kapangyarihan (ngunit iyan ay, gaya ng sabi nila, ay isang kuwento para sa ibang panahon). Di-nagtagal pagkatapos nito, ang mga awtoridad ng Russia ay biglang "nagising" sa antas ng Pangulo at ng Punong Ministro at sinira ang mga MMM-94 gamit ang parehong mga pamamaraan ng kapangyarihan. Maaaring ito ay nagkataon lamang, siyempre...

Noong 1997, habang sinusuri ang mga aralin na natutunan mula sa MMM-94, inisip ko, "Puwede ba nating mapabuti ang algoritmo para sa mga double exchange rate upang makagawa ng balanse sa pagitan ng dami ng mga benta at mga pagbabayad ng " maliliit na kalendaryo "sa bawat block nang AWTOMATIKO? Sa kasong ito, ang Sistema ay makakapagbigay ng mga payout sa 100% ng mga miyembro nito AYON SA MGA TUNTUNIN at magiging walang talo!

Nakahanap ako ng isang mahusay na Kandidato ng Mga Pisikal at Matematikang Agham at 2 na buwan kaming magkatuwang upang subukang buuin ang mirakulong algoritmong ito sa SuperCalctuwing gabi. Nagawa namin ito sa katapusan! Gumawa kami ng isang modelong MATEMATIKA na nagpapahintulot sa lahat ng mga miyembro na magpalitan upang makagawa ng isang paunang natukoy na kita (30, 50, 100% bawat buwan, tulad ng sa MMM-94) sa ilalim ng normal na mga kondisyon. Kung ang sistema ay nagpatigil sa mga operasyon nito sa anumang dahilan, walang maloloko: ang kalahati ng mga miyembro ay mananatiling may napakataas na kita habang ang kalahati pa ay tatanggap lamang ng paunang natukoy na porsyento ng tunay na deposito (halimbawa ay 70%).

Pagkatapos, ang sistema muling sisimulan bilang isang bagong kopya (na may bagong cycle) na nagsisimula sa block 1 at magpapatuloy ang operasyon nito nang walang putol. Ang lahat ng mga pananagutan ng system mula sa naunang cycle ay PANANATILIHIN. Sa restart na sistema, ang mga taong hindi masuwerte sa nakaraan ay maaaring mabayaran para sa kanilang pagkalugi nang mabilis. Maaari mo rin silang bigyan ng isang head start — isang pagkakataon upang muling ipuhunan ang natira sa kanilang mga pondo mula sa lumang cycle sa unang block ng bagong cycle. Ito ay tapat at malinaw, ipinahayag nang maaga at napatunayan gamit ang matematika. Ang sistema ay maaari ring i-set up para sa anumang mga target na halaga at dami gamit ang 6 na mga parametro ng kontrol.

Screenshot ng kursDS.xls table (algoritmo para sa System of Mutual Voluntary Donations-97)

Noong 1997, kami ni Sergey ay nanirahan sa magkaibang lugar, ngunit kami ay nasa mahusay na pakikipag-ugnayan. Nagpunta ako sa kanyang lugar at ipinakita sa kanya ang algoritmo. Sa matematika, inaprubahan niya ito, ngunit hindi siya napabilib sa pamamaraan ng pagpapatakbo:

  • Masyadong kumplikado na ipaliwanag sa isang regular na depositor. Walang makakaunawa ng anumang bagay.

Subalit, nagustuhan niya ang bahagi tungkol sa pag-restart ng sistema sa simula sa kaso ng pagtigil ng operasyon.

  • Restart? Oo... "Magandang ideya iyan," ang sabi niya nang napapaisip,

Nagpasya akong maglunsad ng isang bagong sistema batay sa bagong algoritmo nang sarilinan sa 26 Varshavka: ang System of Mutual Voluntary Donations “MMM-97”. Maagang naging malinaw na si Sergey ay nagkamali sa pag-estima ng mga tao: madali itong naintindihan ng mga miyembro. Gayunpaman, ganuon din ang kinahinatnan nito tulad ng MMM-94: ang sistema ay mahusay, walang sinuman ang naloko, ngunit ang mga taong may mga baril ay dumating basta na lamang kinuha ang pera.

Sa kasamaang palad, ang unang talahanayan ng matematika para sa System of Mutual Voluntary Donations-97 ay nawala sa paglipas ng panahon. Gayunpaman, noong 2007 ay ginamit ko ito, sa pakikipagtulungan sa isa pang matematiko, upang bumuo ng isang planong pinansyal — DoubleSpiral — na inilunsad ko sa Second Life MMORG. Ang matematika sa likod ng larong ito (na kapareho ng System of Mutual Voluntary Donations-97) ay napanatili. Makikita mo ito sa kursDS.xlsDS_full.xls na mga file sa loob ng archive.

Sa loob ng 24 na taon, ang mga awtoridad ay nakikipaglaban kay Sergey Mavrodi gamit ang mga kasinungalingan, paninirang-puri at mga kangaroo court. Sa loob ng 24 na taon, si Sergey Mavrodi ay tinawag na manloloko ng mga "matapat na tao". Siya ay nanahimik.

Kumbinsido siya na hindi niya maibibigay ang algoritmo na ito sa sinuman. Hindi niya maipagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng na pagpapatunay gamit ang matematika na ang MMM ay hindi isang simpleng pyramid scheme. Maaari lamang niyang himukin ang mga tao na makinig sa lohika sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga KATOTOHAN ng nakaraan. Hindi ito nakatulong.

Sa loob ng 24 na taon, si Sergey Mavrodi ay naging kasiguruhan ng di-paglaganap ng "bombang pinansyal" na ito. Sinisikap niyang gamitin ang kapangyarihan nito, nang mag-isa, upang maabot ang kanyang pangunahing layunin: ang pagsira sa kasalukuyang sistema ng pananalapi. Nakita niya ito bilang isang mapanlinlang na sistema na nagsasamantala sa karaniwang tao. Gusto niyang baguhin ang mundo para sa mas mahusay at ay tiwala na magagawa niya ito nang sarilinan, na walang panlabas na tulong.* Ngunit pinakita muli ng kasaysayan na ang isang sundalo ay hindi sapat para sa isang gera.

* Tingnan ang file na squid.mp4 mula sa 03:50

Nang mamatay si Sergey, ako na lamang ang tanging tao sa mundong ito na may ganap na kaalaman sa tunay na kuwento at sa panloob na organisasyon ng MMM. Kaawa-awa kung sa akin ay tuluyang mawala ang algoritmong MMM mula sa bangko ng kaalaman ng sangkatauhan. Ito ang dahilan kung bakit ngayon ay sinasabi ko sa mundo ang lahat ng matematika sa likod ng algoritmong MMM at ang mga saloobin namin ni Sergey tungkol sa mga algoritmong ito.

Naisip ni Sergey Mavrodi na walang makakakuha ng mga ito. Naniniwala ako na ang "mga taong maunlad ang pag-iisip" ay makakahanap ng isang paraan upang gamitin ang mga ito para sa isang mabuting dahilan.

Para sa lahat ng kanyang mga sistemang MMM, pinili ni Sergey na gamitin ang pinakapayak na algoritmo ng MMM-94 na may dagdag na "restart". Pinabuti ko ang pangunahing algoritmo ng MMM-94 at binago ito sa "hindi matatalo" na System of Mutual Voluntary Donations-97 at ginamit ang mga bagong algoritmong ito upang buuin ang DoubleSpiral financial game. Kami ni Sergey ay hindi kailanman nagkaroon ng sapat na pondo noong inilunsad namin ang aming mga algoritmo, at ang mga miyembro ng sistema ay hindi binigyan ng mga garantya. Gayunpaman, ang kahusayan ng algoritmo... nakita mo na ang lahat ng ito.

Pagkatapos ng paglalathalang ito, malalaman ng lahat ang algoritmo. Libu-libong mga matematisyan, ekonomista, tagapondo ang maaaring magkaroon ng dose-dosenang mga bagong gamit batay sa algoritmong ito. Kung ang buong mga estado ay magsimulang gamitin ito, kasama ang kanilang mga mahahalagang ari-arian na gumagalaw bilang isang garantiya (halimbawa, ang Venezuela ay kalulunsad pa lamang ng kanyang pambansang cryptocurrency, angPetro, sinigurado ng langis ng bansa), ang MMM-94 ay tila isang sandbox para sa mga bata sa paghahambing sa MMM-Petro. Sa bagay na iyon, ang lumang MMM-94 ay mahihigitan ng anumang malalaking kompanya ng Kanluran na maglulunsad ng sariling nitong Sistemang MMM na siniguradong mga ari-arian nito. Kung hindi ka magnanakaw ng pera mula sa sistema at gumastos lamang ng kinalkulang kita gamit ang matematika, halos walang panganib para sa kompanya.

Makikita natin ang paglitaw ng daan-daan at libu-libong mga Sistemang MMM sa buong mundo, ang kanilang tagapagtaguyod na mayroong katibayang matematikang pagiging maaasahan ng mga may-ari ng mga sistema? Babagsak ba ang umiiral na sistemang pinansiyal sa sandaling magsimulang tumakbo ang mga sistemang ito? Iyan ang kailangan nating bantayan. Maaaring mali si Sergey Mavrodi, at walang mangyayaring pinansyal na pagbagsak. Posible ang lahat.

Gayunpaman, naniniwala ako na ang paglalathala ng mga algoritmong ito ngayon ay isang perpektong pagpipilian para sa Russia.

Tanging ang Rusya ngayon ang may dose-dosenang libu-libong mga assistant ni Sergey Mavrodi na nagtrabaho sa kanya sa loob ng MMM-2011 at ang kanyang kasunod na mga sistema ng MMM sa ibang mga bansa. Ang mga taong ito ay nakatulong sa kanya nang direkta at alam ang panloob na istraktura ng organisasyonng Sistema. Gagawin nito, sa pinakamababa, ang mga pinakamahusay (at natatangi sa mundo) na mga tagapayo at teknikal na eksperto para sa hinaharap na pandaigdigang Mga Sistema ng MMM.

Tanging ang Russia ang "nakapagbakuna" sa buo nitong populasyon laban sa MMM sa huling 24 na taon sa pamamagitan ng mass media. Tanging ang Russia ang nagpatibay ng isang espesyal na batas laban sa MMM, at ang mga awtoridad ay nakapag-praktis ng pakikipaglaban laban sa "mga pyramid" gamit ang mga pamamaraan ng kapangyarihan at ang pagtayo ng kapangyarihan. Ito ang dahilan kung bakit ang isang Sistemang MMM ay hindi maaaring ilunsad sa Russia. Ginugol ni Sergey Mavrodi ang buong buhay niya at nagtrabaho nang husto upang maprotektahan ang Russia (tulad ng nais niyang noong 1994) laban sa mga posibleng kalamidad sa hinaharap. Ang iba pang mga "may kapangyarihan sa mundo" ay ganap na walang laban sa algoritmong MMM. Bukod dito, ang mga "kasosyo" na ito kamakailan lamang ay tinatrato ang Russia na tulad ng dumi. Samakatuwid, ito ay magiging makatarungan para sa kanila.

Sinabi nila na hinulaan ni Baba Vanga, "Ang Pyramid mula sa Russia ay maglakbay sa mundo."

Nang mamatay si Sergey Mavrodi, maraming tao ang nag-isip na ang hula na ito ay hindi na matutupad. Paano kung nagsisimula pa lamang itong mangyari?

Hunyo 4, 2018

Viacheslav Mavrodi

Mga post ni Viacheslav Mavrodi

Si Viacheslav Mavrodi sa social media:
https://twitter.com/Mavrodi_V
https://www.facebook.com/profile.php?id=100026183588928

Mag-download ng mga materyales

Mag-download ng mga materyales at video:
Google docs | https://public.upera.co/aqx1qsaz | https://katfile.com/eq43q1ibdeng/appeal_VMavrodi.zip.html | https://www.file-upload.com/eqgap1lijouu | http://suprafiles.org/9xnukjnweg6a

Mga archive ni Viacheslav Mavrodi